Overseas Filipino Workers Story

My tagalog OFW blog section

Ako po si Edna isang OFW na nakatira sa bayan ng Bulacan, bunso ako sa aming pamilya at kami po ay apat na magkakapatid, 1 sister at 2 brothers. Ang mga magulang ko ay may simpleng buhay lang, magsasaka ang aking ama at simpleng maybahay ang aking ina. Ako po ay nakatapos ng aking pag aaral sa loob lamang ng 2 taon sa kursong (Computer Science Associate) . . . at ito po ang aking journey.

Taiwan

Ang una kong journey ay ang bansang Taiwan sa taong (1999-2001) sa edad na 22 years old, maganda ang unang journey ko sa bansang ito maganda kasi malaki ang sahod, mabait ang mga amo ko at kasama sa trabaho, ang trabaho ko ay isang (assembly electronics company) at natapos ko ang aking dalawang taon na kontrata. Nang nasa Taiwan ako ay ang buhay ay simple lang trabaho sa gabi at tulog sa araw. Araw-araw ganun ang takbo ng buhay ko, pero minsan din naman may pahinga ako at pag wala akong pasok doon ko nagagawa iyong mga bagay na gaya ng magsimba, matulog ng mahaba at mamasyal.At minsan din naman kasama ko ung mga katrabaho ko magkaraoke iyon lang ang buhay ko sa Taiwan. Kasi para saakin ang priority ko ay pamilya ko. Hindi naging mahirap saakin ang pagdating ko ng Taiwan kasi para sakin hinanda ko ang sarili ko sa hirap ng isang OFW, mahirap kasama ang ibang lahi diko alam kung magkakaintindihan kami, ikaw yung mag aadjust para sa kanila kasi dayuhan ka. In short pakikisama at nagawa ko naman pero pag dikona kaya, ako yung gumagawa ng paraan para maintindihan nila ako, gaya ng sign language. Hinanda ko rin yung sarili ko sa pagkain kasi diko alam kung makakain ko yung mga pagkain nila, pero sinubukan ko kasi kailangan kong iaccept ang kultura nila, dito para magtagal ako at para sa pangarap ko na bigyan ng ginhawa pamilya ko. At nagawa ko naman iyon sa tulong ng Panginoon.At isang araw habang nasa Taiwan ako ay nakilala ko ang isang lalaki na akala ko ay sya na ung the one ko, pero hindi pala, naging kami at nagpakasal at binigyan ng isang anak, pero nagkahiwalay din kami.

Overseas Filipino Workers Story
I've work abroad since 1999.

Qatar

Sa taong (2006-2008) ang masasabi ko sa bansang Qatar habang nagtratrabaho ako ay okey din naman, nagtratrabaho ako sa isang (bakery and restaurant.) Bilang crew masaya at mahirap kasi di sya gaano kalakihan ng sahod. Masaya kasi kahit papaano may mabait naman ako kasama sa trabaho at amo pero meron din naman na di maganda ugali kahit saang bansa naman meron ganung mga tao.Sa una natakot ako kasi middle east ang bansang Qatar, kaya sa una ayaw din akong payagan ng magulang ko magpunta dito kasi daw delikado lalo na sa kababaihan pero sabi ko kaya ko ito at magiging ok ako sa Qatar. Kasi lagi kong iniisip yung anak ko at ang pamilya ko, kasi mag isa lang akong nagpalaki sa anak ko. Ang buhay sa Qatar ay all around lahat na yata ng department napuntahan ko. Una naging crew ako sa restaurant at pagkatapos naging sales assistance din ako at cashier with same company. At habang free ako nagduduty parin ako sa mga wedding events sa catering, naranasan ko ang halos walang tulog at pahinga, pero kinaya ko hanggang matapos ko ang kontrata ko.

Brunei Darussalam

Nang taong (2008-2009) ang buhay ko habang nasa bansang Brunei naman ako masasabi ko na okey din naman. Isang taon lang ang tinagal ko dito kasi una sa lahat maliit lang ang sahod dito bilang isang crew sa isang restaurant. Kayat minabuti ko na umuwi pagkatapos ng isang taon at diko na nirenew pa yung ung kontrata ko. Nang nasa Brunei ako hindi lang bilang crew ako duon, kasi nagdedeliber din kami ng pagkain sa ibat ibang kompanya, ang problema sobrang init dito habang nagdedeliber ako at nilalakad lang iyon. At pagkatapos ay back to work ulit sa restaurant pagkatapos ng deliber. At walang oras buong araw at gabi may duty at bibigyan kalang ng oras na pahinga sa araw at balik ka ulit sa duty until 12:00 midnight. In short broken schedule kaya mahirap. Araw-araw ganun ang buhay duon sa Brunei at bibigyan ka ng normal na day off. Pero normal day kaya kahit gustuhin mo mang mag church wala kang magawa, pero sabi ko sa sarili ko kahit nasan pako basta sa puso ko kasama ko ang Panginoon.

Temperatura ng Greenland until minus 30
Temperatura ng Greenland until minus 30

Greenland

2011 at the present base sa journey kong ito ang masasabi ko na kakaiba sa lahat ng bansang napuntahan ko. At eto ang karanasan ko, pumunta ako sa bansang ito na wala akong alam kung ano itong bansang Greenland, ang importante para saakin nung mga oras na iyon kailangan ko makaalis ng pinas kasi kailangan ako ng pamilya ko. At ang alam kolang at nasa isip kolang Greenland parang pinas lang ito kc sa salitang green. In other word mga puno at halaman, siyempre aalis tayo ng pinas ang dala lang natin ay normal na gamit natin sa pinas. At pagkatapos ng narito na ako sa bansa na ito. Diko akalain na sobrang lamig pala dito at natakot ako kasi sasakay pa pala ako ng helikopter para makarating sa final destinasyon ko. Na sa buong buhay ko dikopa naranasan kasi sa lahat ng bansang napuntahan ko puro malaking airplane ang sinasakyan ko. Tapos dito ay helikopter, habang nasa Greenland ako ginaw na ginaw ako halos lahat yata ng mga damit ko masusuot ko pero malamig parin talaga. Pero sabi ko sa sarili ko kakayanin ko ito. Pero base sa trabaho ko dito masasabi ko na okey itong bansang ito kasi masaya ako at dito nabago ang buhay ko.Masaya kasi malaki sahod kumpara sa ibang mga bansa na napuntahan ko.Masaya kasi may mababait naman akong katrabaho at mababait na amo. Nag umpisa akong magtrabaho sa isang hotel bilang crew. At pag pala nasa ibang bansa ka lahat malalaman mong gawing trabaho in short lahat magagawa mo pag interesado ka. Inshort all around ka, at masayang masaya ako kasi sa pangalawang pagkakataon, nagmahal ulit ako at dito ko nakilala ang the real the one ko. Nakapag asawa ako ng isang forener at ang masasabi ko ay masayang masaya ako kasama ko ang asawa ko.Lahat magagawa mo pag interesado ka inshort all around ka. At dito ang klima ay sobrang lamig pag winter umaabot ng minus 30 at umuulan ng yelo, at kahit summer dito ay malamig parin.Pag winter dito ay mas mahaba ang oras ng dilim at konting oras lang ang may liwanag. Pero pag summer naman dito ay sandaling oras lang ang may dilim at puro naman liwanag.

Your Turn

Ito po ang istorya ko, at kung may tanong po kayo, magtanong lang po kayo at sasagutin ko sa ibaba.

Biahe ko mula 2011 sa Greenland.
Biahe ko mula 2011 sa Greenland.

Let's Connect on Social Platforms

Social media is just an extension of who we are